Ang wika ang nagsisilbing daan upang makapagkomunikasyon ang bawat isa at upang maintindihan natin ang isa't isa. sa pagdiriwang na ito, ipinapaalala sa atin hindi lang mga Pilipino kundi sa buong mundo na dapat nating pahalagahan ang sarili nating wika kahit na kailangan nating matuto ng iba't ibang lenggwahe upang makipagugnayan sa iba't ibang tao sa mundo.
Ngayon, taong 2019, ipinagdiriwang ang buwan ng wika sa tema ng, "Wikang katutubo: Tungo sa isang bansang Filipino." isang daang tatlumpo't na lenggwahe ang mayroon ang Pilipinas. Ang tagalog ang pinakapangunahing wika ng mga Filipino kung saan kahit saan ka magpunta, kailaangang dala dala mo ang wikang Filipino.
Hangad ng tema sa taong ito na maikintal sa pambansang kamalayan ang halaga at gampanin ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagbuo ng isang bansang nagkakaunawaan.
Marami ngang mga Filipino ang bumabalewala sa ating wika ngunit sana'y ating tatandaan na mahalin ang ating wika. Dahil dito tayo lumaki. Nagkakainteres nga tayo sa ibang wika ngunit obligasyon nating mga Filipino ang pahalagahan ang sarili nating para sa ating bansa. https://www.google.com/search?q=buwan+ng+wika+2019&rlz=1C1CHBF_enPH842PH842&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwivrr7kmrTkAhXUPXAKHX8TBQ8Q_AUIESgB&biw=1366&bih=657#imgrc=39A0KGlOOmG51M:

No comments:
Post a Comment